Belmonte may paalala sa solons na anti-RH
MANILA, Philippines - Kakausapin ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., ang mga kongresista na tutol sa pagpasa ng Reproductive Health bill, isa sa mga panukala na prayoridad na maisabatas ng Malacanang.
Sinabi ni House majority leader Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II na nais ni Belmonte na ipaalala sa mga tutol sa Reproductive Health and Family Planning ang rules ng Kamara kaugnay ng debate sa plenaryo kabilang ang isang oras na limitasyon ng pagtatanong ng isang kongresista. Mayroon pang 25 kongresista na nakapila para sa deliberasyon ng RH bill.
“We have been tied up with the budget (deliberations). (But) I’m sure (that) by Monday, the Speaker will meet the people who are anti-RH to reiterate enough provisions under our existing rules that can fasttrack the discussion,” ani Gonzales.
Inamin ni Gonzales na hindi kakayanin ng Kamara na aprubahan sa ikalawang pagbasa ang panukala bago ang break ng sesyon sa Oktubre 15.
Bago ang break ay nakatakdang aprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang P1.816 trilyong budget para sa 2012.
- Latest
- Trending