PUP students nag-walkout

MANILA, Philippines - Libu-libong mga mga-aaral at faculty members ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang nag-walkout sa kanilang mga klase upang ipakita ang kanilang pagtutol sa pagtapyas ng budget para sa edukasyon sa 2012 proposed budget kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Manila.

Ayon kay PUP Central Student Council President Fatima Villanueva, hindi sapat ang panukalang P734.78 million na budget sa State Colleges and Universities (SCU’s) para sa susunod na taon.

Dapat umano ay gawing P2 bilyon ang pondo para sa mga SUC upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante.

Sa kanilang pag-walkout at kawani ng nasabing unibersidad sigaw ng mga ito ang “PUP budget di sapat! 2 Billion dapat!”.

Ang mga ito ay umi­kot sa lahat ng mga gusali ng PUP mula sa main building nito.

Show comments