Angara kinasuhan sa Ombudsman

MANILA, Philippines - Kinasuhan sa tanggapan ng Ombudsman si Senador Edgardo Angara dahil sa umano’y paglabag nito sa Anti-graft and Corrupt Practices Act.

Batay sa reklamo ng kilalang Urban Planner at Architect Felino “Jun” Palafox Jr, lumabag umano sa Code of Ethics ng Anti-Graft and Practices Act si Angara matapos nitong mapayagang maitayo ang Aurora Pacific Economic Zone (APECO) sa lalawigan ng Aurora kahit na malambot ang lupa dito at lantad sa pagbaha at landslides.

Inakusahan din ni Pa­lafox si Angara ng pag­pa­yag umano nito sa proyekto para sa pansariling interes.

Bukod kay Angara, kinasuhan din ang apat na board member ng Apeco na sinasabing kakutsaba umano ni Angara sa pagpayag sa proyekto.

Si Palafox ay dating architect sa lugar pero ti­nanggal umano matapos maipaalam kay Angara ang mga panganib na idudulot sa tao ng proyekto.

Show comments