'Planking' ibabawal na
MANILA, Philippines - Ipagbabawal na ang “planking” o ang pagdapa ng mga ralista sa kalsada bilang pagpapakita ng kanilang protesta.
Ito’y sa sandaling maipasa sa Kamara ang “Anti-Planking Act of 2010” na inihain ni Quezon Rep. Winston Castelo na nangangamba na magagamit ang planking sa mga susunod na street rallies o protest actions ng mga estudyante sa kanilang pagpapahayag ng saloobin laban sa gobyerno.
Ang panukala ay nag-ugat matapos ang protesta ng mga estudyante kasabay ng tigil-pasada noong Lunes na pinangungunahan ng League of Filipino Students (LFS) na nagsagawa ng “planking”sa kahabaan ng España, Sampaloc, Maynila bilang pagpapakita ng suporta sa grupong Piston.
“The parent in me tells me that this precedent in the case of the this massive transport strike where militant street protesters who are students of various schools have to lie down or serve as ‘planks’ across the road to disrupt what should be normal traffic could just be very dangerous in the future. Life and limb are pretty much at risks here were unbelieving bus drivers or law enforcement authorities might just ram through these warm and living bodies rolled out on highways,” paliwanag ni Castelo.
Nais din sa panukala na ang babalangkasing Code of Student Conduct ay ipatutupad ng DepEd sa mga elementary at high school students habang ang CHED naman sa mga college students.
Sinabi pa ng mambabatas na may dahilan para maalarma ang mga magulang at guro kapag nagkaroon ng kahalintulad na uri ng protesta sa hinaharap dahil sa panganib na maaaring idulot nito sa kanilang mga anak at estudyante.
Ang “planking” ay pagdapa na nakataob ang ulo habang nasa gilid ang mga kamay.
- Latest
- Trending