2 testigo sa 2007 poll fraud idiniin si Abalos
MANILA, Philippines - Lumantad kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang 2 testigo kung saan ay idiniin si dating Comelec chairman Benjamin Abalos na may kinalaman sa 2007 election fraud.
Iniharap sa media ni Justice Sec Leila de Lima sina Atty. Lilian Radam, Acting Provincial Election Supervisor at Chair ng Board of Canvassers sa South Cotabato noong 2007 at Atty. Yogi Martirizar,
Acting Election Supervisor at Chair ng Board of Canvassers sa North Cotabato noong 2007.
Nabatid na ang dalawang opisyal ay kapwa kinasuhan ni Sen. Koko
Pimentel ng electoral sabotage bagamat si Radam lamang ang nasampahan sa korte ng kaso. Sa kanilang affidavit, direkta nilang iniugnay sa dayaan noong 2007 polls si dating Comelec chairman Abalos.
Anila, makausap nila mismo ng personal si Abalos noong Abril ng taong 2007 sa Davao City na siya umanong nagbigay ng direktiba para tiyakin ang 12-0 na panalo ng mga pambato sa pagka-senador ng team unity sa kani-kanilang mga lalawigan.
Gumamit umano sila ng sobrang kopya ng mga authentic forms ng Certificate of Canvass na may supporting statement of votes para gamitin sa pagmamanipula ng resulta ng eleksyon.
Kasunod nito, agad namang nagpasiya ang DOJ na isailalim na kahapon sa provisional coverage ng Witness Protection Program (WPP) ang dalawang dating election supervisors.
- Latest
- Trending