^

Bansa

Anti-Drug campaign palalakasin ng PNEAOA - Sotto

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Higit na pinalakas ang kampanya laban sa ipinag­babawal na gamot ngayon matapos itatag ang Phi­lippine Narcotic Enforcement Officers Association (PNEOA) na pamumunuan ni Sen. Vicente Sotto III.

Pangungunahan ni Sotto ang ‘grand launching’ at ‘awarding ceremonies’ ng PNEOA sa Sofitel Phi­lippine Plaza Hotel sa Pasay City sa Setyembre 28, ganap na alas-7:00 ng gabi. 

Mahigit sa 200 bisita at participants ang inaasa­hang dadalo sa makasaysayang okasyon mula mismo sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency­ (PDEA), Dangerous Drugs Board, iba pang law enforcement­ agencies at sibilyan mula sa iba’t ibang sektor. 

Panauhing pandangal sa okasyon si Sen. Gre­gorio Honasan na siyang chairperson ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs; at chairperson ng Congressional Oversight and Committee on Dan­gerous Drugs-Senate.

Bibigyang parangal ang mga personalidad na hindi matawaran ang pagkabayani sa paglaban sa ipinagbabawal na gamot para isalba ang kinabukasan ng mga kabataang Pinoy.

Ang bumubuo ng PNEOA ay sina Executive Di­rector Markilo R. Rosales at mga board members na sina Mr. Romeo J. Sanga, Gen. Enrique C. Cuadra Ph. D; Atty. Victor R. Bessat, Dr. Idabel B. Pagulayan, Engr. Emmanuel C. Freires, Lady Grace Plazo Freires at Mr. Eric V. Señoren.

Ang PNEOA Grand Launching and Awards Ce­re­monies ay may temang “Saving the Filipino Youth.”

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CONGRESSIONAL OVERSIGHT

CUADRA PH

DR. IDABEL B

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS BOARD

EMMANUEL C

ENRIQUE C

EXECUTIVE DI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with