^

Bansa

Halaga ng primary education diniin ni Angara

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Aurora Congressman Juan Edgardo Angara sa pamahalaan na pagtuunan ang kalidad ng edukasyon bilang pinakamahalagang behikulo sa pagpapaunlad ng pu­wer­sa ng paggawa simula pa lang sa basic primary education.

“Napakahalaga ng universal kindergarten program na kinasasangkutan ng 2.3 milyong batang may edad na li­mang taong gulang,” diin ni Angara na nagsabi pa na na­ngangailangan ng dagdag na pondo mula sa pamahalaan ang sector ng edukasyon para maiprayoridad at magamit ng husto at mapahusay ang anumang nakakapagpaunlad sa isang tao.

Si Angara na tagapa­ngulo ng House Committee on Higher and Technical Education ay nagpahayag ng pagsuporta sa P1.9 billion pre-school program ng Department of Education para matugunan ang malaking kakulangan sa basic education program ng pamahalaan na nangangailangan ng pagkuha ng libu-libong bagong guro na bukod pa sa mga teaching position na hindi pa napupunuan sa kasalukuyan.

“Makakalikha tayo ng magagaling na estud­yante kung kukuha tayo ng magagaling na guro,” sabi rin niya.

Binanggit niya na ang badyet ng DepEd sa taong 2012 ay P238.8 bilyon na mas mataas nang 15.2% kumpara sa badyet na 207.3 bilyon ngayong taong ito.

Ang panukalang bagong badyet ay naglalaan ng P2.9 bilyon para sa paglikha ng 13,000 posisyon ng guro.

ANGARA

AURORA CONGRESSMAN JUAN EDGARDO ANGARA

BINANGGIT

DEPARTMENT OF EDUCATION

HIGHER AND TECHNICAL EDUCATION

HOUSE COMMITTEE

MAKAKALIKHA

NANAWAGAN

NAPAKAHALAGA

SI ANGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with