^

Bansa

Bangkay ng OFW, umuwing naka-diaper lang!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isang Pinay na misteryosong nasawi sa Jordan ang iniuwing nakasuot lang ng diaper.

Ayon kay John Leo­nard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East, kumbinsido ang pamilya ni Janice Joy Pampangan, 25, tubong Makilala, Kidapawan, South Cotabato na may “foul play” sa pagkamatay ng huli.

Ayon kay Monterona, tatlo ang death certificates ni Pampangan na may tatlong magkakaibang petsa ng kanyang pagkamatay.

Malaki ang paniwala ng pamilya na pinatay ang biktima matapos ang huling mensahe nito na nais na niyang umuwi dahil tapos na ang kanyang 2-taong kontrata sa among Jodanian.

Setyembre 15, 2005 ng magtungo si Pampangan sa Jordan upang magtrabaho bilang domestic helper. Natapos nito ang kontrata noong 2007 subalit hindi umano siya pinayagan ng kanyang employer na umuwi sa Pilipinas kahit ilang beses nagmakaawa. Hu­ling nakausap ng kanyang pamilya si Pampangan noong Nobyembre 2008. 

“Inilapit namin sa DFA ang problema ng anak ko, pero ang tanging sagot lang nila ay ipo-proseso pa. Pabalik-balik kami sa naturang opisina pero wala silang naibigay na sagot,” ayon sa ina ni Pampangan.

Noong Hunyo 21, 2010 isang text message ang natanggap ng pamilya mula sa employer na si Karim Swelim sa Jordan na namatay na si Janice Joy sanhi ng brain stroke at na-diagnosed umano na infected ng HIV virus.

Noong Agosto 24, kinumpirma ng DFA ang pagkasawi ni Pampangan at naiuwi ang mga labi nito sa Pilipinas noong Setyembre 13, 2011.

vuukle comment

AYON

ISANG PINAY

JANICE JOY

JANICE JOY PAMPANGAN

JOHN LEO

KARIM SWELIM

MIGRANTE-MIDDLE EAST

MONTERONA

NOONG AGOSTO

PAMPANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with