^

Bansa

LA mansion ni Pacquiao inakyat-bahay

- Ni Russel Cadayona -

MANILA, Philippines - Kung may ‘Akyat-Bahay Gang’ sa Pilipinas, meron din sa United States.

At muntik nang mabiktima ng apat na magnanakaw si Filipino world eight-division champion at Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao.

Dahil sa maagap na pagresponde ng mga awtoridad, nabigong matangay ng mga magnanakaw ang ilang pera, alahas at kagamitan sa loob ng mansyon ni Pacquiao sa Los Angeles, California.

Ang Sarangani Congressman ay kasalukuyang nasa Maynila nang maganap ang tangkang pagnanakaw sa kanyang mansyon na nagkakahalaga ng $2 milyon.

“Mabuti na lang hindi sila nakapagnakaw,” sabi ni Pacquiao na kamakailan lamang ay nasa LA para sa kanilang four-city world press tour nila ni Juan Manuel Marquez.

Hindi binisita ni Pacquiao ang kanyang mansyon sa naturang okasyon at sa halip ay natulog sa Beverly Hills Hotel.

Ang nasabing LA mansion ay may limang kuwarto, fully-furnished, may swimming pool at isang garahe na kasya lamang ang kanyang Mercedes convertible.

Wala ang caretaker na si Alex Oretlo sa mansyon nang makapasok ang apat na kawatan.

Ang hindi nila ay alam ay nasa ilalim na sila ng surveillance ng pulisya at hinihintay na lang silang makapasok sa mansyon kasunod ang pag-aresto sa kanila.

“Authorities already knew of their movement and had detectives positioned in the area,” sabi ni Atty. Jeng Gacal, legal counsel ni Pacquiao.

Ang entertainment news at celebrity gossip station na TMZ ang nagbunyag sa naturang burglary attempt.

AKYAT-BAHAY GANG

ALEX ORETLO

ANG SARANGANI CONGRESSMAN

BEVERLY HILLS HOTEL

JENG GACAL

JUAN MANUEL MARQUEZ

LOS ANGELES

PACQUIAO

SARANGANI REP

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with