Mag-iiwan ng bata sa sasakyan pagmumultahin
MANILA, Philippines - Pagmumultahin ang mga magulang o kung sino mang matanda na mag-iiwan ng bata na edad 8-taong gulang pababa sa loob ng sasakyan.
Sa ilalim ng House bill 5226 nina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo at kanyang anak na si Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo, magmumulta ng P5,000 sa unang paglabag, P10,000 sa ikalawang paglabag at P50,000 sa ikatlong paglabag, ang mga magulang, guardian o sinumang matanda na mag-iiwan ng bata sa loob ng sasakyan.
Paliwanag ng mag-inang Arroyo, may mga aksidenteng hindi inaasahan na maaring mangyari sa sandaling maiwan sa loob ng sasakyan ang mga bata.
Kabilang na dito ang aksidenteng umandar ang sasakyan, choking, ma-kidnap, makalanghap ng toxic fume na maaaring ikamatay ng batas sa loob ng kotse at ma-heat stroke.
- Latest
- Trending