^

Bansa

Gen. Garcia kalaboso sa Munti!

- Joy Cantos, Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Inaresto ng tropa ng Armed Forces of the Philippines si dating AFP comptroller ret. Maj. General Carlos Garcia sa kanyang bahay sa Quezon City kahapon matapos hatulang guilty ng General Court Martial sa paglabag sa dalawang Articles of War.

Si Garcia ay hinuli ng tropa ng AFP Provost Marshall sa pamumuno ni Col. Herbert Yambing ng Philippine Army sa taha­nan nito sa no. 11 Jaime St., Carmel subd. Project 6, Quezon City ganap na alas-8:30 ng umaga.

Dakong alas-3 ng hapon nang dalhin sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa si Garcia makaraang ipag-utos ni Pangulong Aquino ang paglilipat dito.

Inaresto si Garcia matapos mapatunayang nagkasala sa paglabag sa Articles of War 96 o conduct unbecoming of an officer and a gentleman at Articles of War 97, o conduct prejudicial to good order and military discipline.

Bunsod ito ng kanyang pagsisinungaling sa pagdedeklara ng kanyang Statement of Assets and Liabilities and Net (SALN) worth noong 2002 at 2003 at possession of US permanent resident status habang aktibo pa ito sa serbisyo.

September 9, 2011 nang kumpirmahin ni Pangulong Aquino, bilang commander in chief ng AFP, ang hatol na ipinataw ng court martial sa natu­rang kaso; pagkaka-alis sa serbisyo; mawalan ng bayad at allowances at makulong sa loob ng dalawang taon.

Ipinangako naman ni Bureau of Prison (BuCor) Director Gaudencio Pangilinan na walang matatanggap na espesyal na pagtrato o VIP treatment si Garcia kahit pa nga dati niyang kasama sa militar ang retiradong heneral. 

Bagama’t may rekord na si Garcia sa kalagayan ng kanyang kalusugan, isasailalim pa rin siya sa medical examination ng NBP at dadaan din sa 60-araw na orientation at diagnostic center. Pagkakalooban din ang dating heneral ng tamang kasuotan ng mga bilanggo na kulay orange sa oras na ipasok na siya sa selda.

Ibinigay naman kay Garcia ang numerong “N2113-P2326” bilang bilanggo at inaalam pa kung sa medium o maximum security compound itatalaga.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARTICLES OF WAR

BUREAU OF PRISON

DIRECTOR GAUDENCIO PANGILINAN

GARCIA

GENERAL CARLOS GARCIA

GENERAL COURT MARTIAL

HERBERT YAMBING

INARESTO

PANGULONG AQUINO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with