^

Bansa

PAL service providers pwedeng parehistro sa DOLE

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Maari ng kumuha ang mga service provi­ders ng Philippine Airlines (PAL) ng kani-kanilang certificates of registration sa Department of Labor and Employment (DOLE) para makaiwas sa ilang legal na kumplikasyon sa kanilang pag-take over sa tatlong departamento ng PAL na nakatakdang ipakontrata sa iba sa darating na Oktubre 1, 2011.

Sinabi ng DOLE National Capital Region Di­­ rector Raymundo Ag­ra­­vante na ang SkyKitchen Philippines, Inc., SkyLogistics Philippines, Inc. at SPi Global – ang tatlong service provi­ders na napili ng PAL – ay maaaring pumunta sa pal kahit na anong oras.

Ang mga rekisitos ay kinabibilangan ng isang duly accomplished at notaryadong aplikasyon, certified true copy ng cer­tificates of registration sa Securities and Exchange Commission, Department of Trade and Industry, local business permits at iba pang supporting documents. Ang registration fee ay nagkakahalaga lamang ng P100.

Nuong Setyembre 7, 2011, naglabas ng ser­tipikasyon si Director Ag­ravante – na hiningi ng PAL Employees Association (PALEA) – na nagsasaad na ang tatlong service provider ng PAL ay di pa rehistrado sa DOLE bilang mga service contractors ayon sa DOLE Department Order No. 18-02. Isa pang katulad na sertipikasyon ay hiningi din ng PALEA sa DOLE Cebu nuong  Setyembre 12.

Idiniin ni Agravante na walang makakapigil sa mga service provider ng PAL para sila ay magsumite ng aplikasyon para sa kanilang akreditasyon.

Ito ay salungat sa sabi ng PALEA na ang mga PAL service provider ay “bogus”, “labor-only” contracting firms dahil wala silang akreditasyon ng DOLE. Yun pala, pwedeng kumuha at magsumite ng aplikasyon anumang oras nila naisin.

CAPITAL REGION DI

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DEPARTMENT ORDER NO

DIRECTOR AG

EMPLOYEES ASSOCIATION

NUONG SETYEMBRE

PAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with