^

Bansa

Paglabag sa helmet law pinalagan ni Revilla

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Tinutulan ni Sen. Ramon Revilla Jr. ang tahasang paglabag ng ilang probinsiya sa Republic Act 10054 o ang Mandatory Helmet Act of 2009 kung saan hindi nila sinusunod ang pagsusuot ng standard protective helmet dahil nagiging ugat pa umano ito ng krimen.

Sinabi ni Revilla na nalalagay sa panganib ang buhay ng mga nagmo-motorsiklo dahil sa paglabag sa RA 10054 lalo ang napaulat na isi­nusulong sa Sangguniang Panglungsod ng Batangas na ipagbawal ang pagsusuot ng helment dahil naitatago umano ang mukha ng gumagawa ng krimen.

Ikinatwiran pa ni Revilla na hindi dapat sisihin ang nasabing batas sa pagtaas ng bilang ng krimen dahil ang pulisya ang dapat tumutok upang sugpuin ang kriminalidad sa bansa.

“I strongly condemn the absurd claim that the Republic Act 10054 or the Mandatory Helmet Act of 2009 aids in the commission of crimes. Exemp­ting certain localities in the implementation of the law will not be a guarantee that crime incidents will decrease,” sabi ni Revilla.

BATANGAS

EXEMP

IKINATWIRAN

MANDATORY HELMET ACT

RAMON REVILLA JR.

REPUBLIC ACT

REVILLA

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

SINABI

TINUTULAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with