MANILA, Philippines - Umalma ang isang negosyante sa pag-uugnay sa kanya sa nawawalang container vans mula sa Bureau of Customs makaraang salakayin ang kanyang bodega sa Caloocan City.
Ayon kay Conrado Ibanez, president ng Intercontinental Grains, kasinungalingan at walang katotohanan na siya ay inaresto tulad ng akusasyon ni Customs intelligence division member na si Simeon Capparoza Jr.
“Mr. Capparozo went to my office last Monday and asked me if I am a supplier of imported Thailand rice to Puregold. I told him yes and not just Puregold but to other supermarkets as well, like SM Hypermart, Savemore, Shopwise and Rustans,” wika pa ni Ibanez.
Itinanggi ni Ibanez na mayroon siyang sinabi na illegal na aktibidad ng Puregold kay Capparozo.
“How can I tell him anything when I don’t even know the Puregold owner personally,” wika pa ni Ibanez na naniniwala siyang bahagi ng last-ditch effort upang hindi masibak si BOC Com. Angelito Alvarez.
Pinag-aaralan ngayon ng legal counsel ni Ibanez ang nararapat na hakbang laban sa BOC at kay Capparozo dahil sa mapanirang pahayag nito laban sa kanya.