^

Bansa

Trader 'umaray' sa pagsangkot sa missing container vans

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Umalma ang isang negosyante sa pag-uugnay sa kanya sa nawawalang container vans mula sa Bureau of Customs makaraang salakayin ang kanyang bodega­ sa Caloocan City.

Ayon kay Conrado Ibanez, president ng Inter­continental Grains, kasinungalingan at walang kato­tohanan na siya ay inaresto tulad ng akusasyon ni Customs intelligence division member na si Simeon Capparoza Jr.

“Mr. Capparozo went to my office last Monday and asked me if I am a supplier of imported Thailand rice to Puregold. I told him yes and not just Puregold but to other supermarkets as well, like SM Hypermart, Savemore, Shopwise and Rustans,” wika pa ni Ibanez.

Itinanggi ni Ibanez na mayroon siyang sinabi na illegal na aktibidad ng Puregold kay Capparozo.

“How can I tell him anything when I don’t even know the Puregold owner personally,” wika pa ni Ibanez na naniniwala siyang bahagi ng last-ditch effort upang hindi masibak si BOC Com. Angelito Alvarez.

Pinag-aaralan ngayon ng legal counsel ni Ibanez ang nararapat na hakbang laban sa BOC at kay Capparozo dahil sa mapanirang pahayag nito laban sa kanya.

ANGELITO ALVAREZ

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CALOOCAN CITY

CAPPAROZO

CONRADO IBANEZ

IBANEZ

MR. CAPPAROZO

PUREGOLD

SHOPWISE AND RUSTANS

SIMEON CAPPAROZA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with