MANILA, Philippines - Bagamat kalalabas lamang ng bansa ng bagyong Onyok, isa na namang sama ng panahon ang namataan sa Batanes.
Ayon sa PAGASA, patuloy nilang minomonitor ngayon ang isang shallow low pressure area (SLPA) kahit na wala pang tsansa na maging isa itong ganap na bagyo sa mga darating na araw.
Sinabi ni Elvie Enriquez, forecaster ng PAGASA na kailangang mabantayang mabuti ang naturang sama ng panahon upang malaman ang posibilidad na maaari nitong dalhing lakas sa bansa.
Kahapon ng umaga, namataan ang SLPA sa layong 180 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Kapag naging bagyo, tatawagin itong Pedring.