^

Bansa

Reso sa 'Batasan bombing' pinamamadali sa DOJ

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Hiniling ng mga kaanak ng biktima sa 2007 Batasan bombing kay Justice Sec. Leila de Lima na madaliin ang pagpapalabas ng resolusyon sa kasong isinampa nila laban sa mga suspek kabilang si dating Anak Mindanao Partylist Rep. Mujiv Hataman.

“We are glad to know that the case is still pending and has not yet been dismissed,” wika nina Tahira S. Ismael-Sansawi at Nor-rhama J. Indanan, maybahay ni Kismhar Indanan, at isang nasugatan sa Batasan bombing incident.

Si Indanan ay bodyguard ni Rep. Wahab Akbar na kabilang sa nasawi sa bombing sa Batasan noong 2007 habang si Sansawi ay pamangkin ni Akbar.

“It has been four years since the incident and we are urging the Department of Justice to take a second look into this case,” wika pa ni Indanan.

Nagtungo sina Sansawi, Indanan at mister ni Kimhar sa Department of Justice para kumuha ng sertipikasyon para sa petition for review upang imbestigahang mabuti sina Rep. Hataman, Hadjiman Salliman-Hataman at Julham Kunam matapos walang manatiling unresolved ito makaraang magsampa sila ng reklamo noong Mayo 2008.

Nagkaroon ng agam-agam sina Sansawi at Indanan matapos mapaulat na kabilang si Hataman sa kandidato at malakas na pambato ng Palasyo upang maging officer in charge sa ARMM.

Nangangamba ang mga kaanak ng biktima ng Batasan bombing na lalong mabalewala ang kaso nila kapag naupo sa ARMM bilang governor si Hataman.

ANAK MINDANAO PARTYLIST REP

BATASAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

HADJIMAN SALLIMAN-HATAMAN

HATAMAN

INDANAN

JULHAM KUNAM

JUSTICE SEC

KISMHAR INDANAN

MUJIV HATAMAN

SANSAWI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with