^

Bansa

Legal advisers ni PNoy pinasisibak lahat

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinasisibak ng oposisyon sa Kamara ang lahat ng legal advisers ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ito’ y matapos na pumalpak umano ang Malakanyang sa isinusulong na pagpapaliban ng eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kung saan bibigyan din ng kapangyarihan ang Pangulo na pumili ng mga officers in charge (OIC).

Kabilang sa mga nais ipasibak ng minorya sina Presidential Legal adviser Eduardo de Mesa at Solicitor General Jose Anselmo Cadiz.

Ayon kay House Minority Leader Edcel Lagman, dapat maglagay ang Pangulo ng mga adviser na may mahusay na legal minds para maidepensa ang mga hakbang ng gobyerno.

Ikinumpara naman ni deputy minority leader Danilo Suarez sa isang baseball game ang mga nabanggit na legal advicers na umano’y nakaka-’strike 2’ na sa kapalpakan at kung maka-strike 3 ay tiyak ng sibak ang mga ito sa pwesto.

Masyado na umanong nakakahiya na dalawang beses o strike two nang nasupalpal at ipinabasura ng Korte Suprema ang mga desisyon na Malakanyang kabilang na dito  ang Executive Order na nagtatatag ng Truth Commission at ang legalidad ng pagpapaliban ng eleksyon sa ARMM.

AUTONOMOUS REGION

DANILO SUAREZ

EXECUTIVE ORDER

HOUSE MINORITY LEADER EDCEL LAGMAN

KORTE SUPREMA

MALAKANYANG

MUSLIM MINDANAO

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with