Estudyanteng inaabuso ng mga guro dumarami
MANILA, Philippines - Tumaas ang bilang mga batang estudyante na nakakaranas ng ibat-ibang uri ng pang-aabuso mula mismo sa kanilang mga guro.
Ayon kay Atty. Domingo Alidon ng Department Education legal department, kabilang sa nararanasang pag-aabuso ng mga mag-aaral na nakararating na reklamo sa kanyang tanggapan mula sa mga magulang ay exploitation, diskriminasyon, pambu-bully, pananakit at pagliligaw.
Sinabi ni Alidon, mas marami ang reklamo na kanilang natatanggap sa Metro Manila at Region 4-A mula sa pribado at pampublikong high school sa bansa.
Sinumang magpaparusa sa isang mag-aaral o mang-aabuso dito ay mahaharap sa kaukulang parusa, alinsunod sa batas, tulad nang dismissal sa serbisyo.
Maaari rin aniyang maharap sa paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ang sinumang mang-aabuso sa isang paslit kung magkakaroon ng psychological at physical abuse, neglect, cruelty, sexual abuse at emotional maltreatment.
- Latest
- Trending