Putik epektibo vs red tide
MANILA, Philippines - Nakahanap ng simpleng solusyon ang Department of Science and Technology (DOST) laban sa mapamuksang “red tide” sa pamamagitan ng paghahalo ng putik sa tubig-alat na apektado ng organism.
Natuklasan sa pag-aaral ng DOST Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development at University of the Philippines Marine Science Institute ukol sa “Harmful Algal Blooms (HABs) na mas kilala bilang “red tide” na epektibong nasasakal ng putik ang mga organismo ng red tide sa ibabaw ng dagat at hinihila pailalim sa karagatan kung saan ito namamatay.
Sa aktuwal na operasyon sa Masinloc Bay sa Zambales, gumamit ang DOST ng “prototype clay dispersal unit” na bumubuo ng mga bolang putik na ikinalat sa apektadong lugar na may red tide. Natagpuan nila na ang “pyrodinium cells” ng red tide sa ibabaw at ilalim ng dagat ay nawala matapos na ikalat ang putik sa naturang lugar.
Natuklasan rin na walang negatibong epekto ang aplikasyon ng putik sa mga lamang-dagat partikular na sa mga tahong, isda at iba pa.
- Latest
- Trending