MANILA, Philippines - Nagbago ng direksyon ang bagyong “Onyok” sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PAGASA, huling namataan si Onyok kahapon sa layong 1,160 kilometro sa silangan-hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Tinatahak ni Onyok ang pa-hilagang direksyon at tuluyan na itong lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Gayunman, nagbabala pa rin ang ahensiya na maaring pumasok muli sa bansa ang tropical depression.
Kung may magaganap na pag-uulan umano sa bansa laluna sa Metro Manila, ito ay dahil sa epekto ng habagat at hindi ng bagyo.