^

Bansa

Mga labi ng pinatay na Pinay sa Saudi, iniuwi na walang mata at dila

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Halos madurog ang puso ng pamilya ng isang Pinay domestic helper na hinihinalang brutal na pinatay sa Saudi Arabia, nang dumating ang mga labi ng kanilang kaanak na  sunog habang wala nang mata at dila.

Ayon kay John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante Middle East, kinumpirma ni Mira Ibanez, kapatid ng nasawing overseas Filipino worker (OFW) na si Romilyn Eroy Ibanez, tubong North Cotabato na dumating na ang bangkay ng huli subalit malaki ang duda ng kanilang pamilya na sadyang pinatay at hindi nagpakamatay si Romilyn.

Ayon kay Mira, dumating ang mga labi ng kanyang kapatid na hindi kumpleto at lalo silang nanlumo nang makitang sunog ito, walang isang mata at walang dila.

“May ask lang po ako sa inyo, kasi po dumating na po ang body ng sister ko, hindi sya kompleto –wala syang isang mata at walang dila, Ano po ang ginawa nila sa sister ko at bakit ganyan ang nangyari?” ayon kay Mira Ibanez sa kanyang email noong Sept. 10, 2011 kay Monterona.

Si Eroy-Ibanez ay sinugod sa ospital noong Setyembre 2, 2010 matapos na matagpuan siya ng isang staff ng Red Crescent na naliligo sa sariling dugo sa kusina ng bahay ng kanyang employer sa Al-Khbar. Isang oras matapos na maisugod sa ospital ay idineklara siyang patay ng kanyang manggagamot.

Lumalabas sa pagsusuri ng attending physician ni Eroy-Ibanez na ‘acid ingestion’ at mga tama ng saksak sa katawan ang sanhi ng pagkamatay ng nasabing Pinay. 

Una nang inihayag na lumabas umano sa investigation at forensic reports na isinagawa sa Saudi na ‘suicide’ ang nangyari kay Eroy-Ibanez taliwas naman sa naging findings ng doktor ng ospital na sumuri sa   Pinay bago siya binawian ng buhay.

Si Eroy-Ibanez na nagtapos ng kursong education ay nagtungo sa Saudi upang magtrabaho bilang domestic helper ng nakalipas na taon.

Bunsod sa sinisilip na ‘foul play’ sa pagkamatay ng nasabing Pinay ay hihilingin ng pamilya nito at grupong Migrante na magkaroon ng re-investigation  at kumuha ng Shariah lawyer ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh para sa kaso ni Ibanez.

 “We will say it again: We strongly deplore the PH govt. that failed to file a diplomatic protest on the maltreatment of our OFWs by inhumane employers specifically in the case of murdered OFW Romilyn Eroy-Ibanez,” ani Monterona.

vuukle comment

AYON

EROY-IBANEZ

IBANEZ

JOHN LEONARD MONTERONA

MIGRANTE MIDDLE EAST

MIRA IBANEZ

MONTERONA

NORTH COTABATO

PINAY

SI EROY-IBANEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with