MANILA, Philippines - Hindi uurungan ng negosyanteng si Roberto Ongpin ang sinasabing reklamo laban sa kanya ng Development Bank of the Philippines (DBP), ayon sa abugado nitong si Alexander Poblador.
Sinabi ni Atty. Poblador, bagama’t wala pang natatanggap na kopya ng reklamo ang kanyang kliyente na si Ongpin ay handang harapin ng kanyang kliyente ang reklamo na sinasabing iniharap sa Ombudsman.
“We have not yet received a copy of the order from the Office of the Ombudsman. In fact, we also have not seen the complaint filed by the Development Bank of the Philippines more than a month ago regarding the supposed ‘behest loan’ granted to Mr. Ongpin by the previous board of the state-owned lender,” wika pa ni Atty. Poblador.
Idinagdag pa nito, “nevertheless, we welcome the Ombudsman’s decision to proceed with the preliminary investigation as an opportunity for my client and other respondents to refute the charges.”
Ginawa ng abugado ang pahayag kaugnay sa ulat nitong Agosto 25 na inatasan daw ng Ombudsman si Ongpin at 27 dating opisyal ng DBP at indibidwal na magharap ng kanilang counter-affidavits sa loob ng 10 araw.
Naunang iginiit ni Ongpin na ang kanyang utang noong 2009 sa pamamagitan ng Deltaventure Resources Inc. (DVRI) ay walang anomalya at nabayaran niya ahead of time.
Aniya, ang P660 milyong loan niya sa DBP at mahigit P3 bilyon sa iba pang bangko ay ginamit niyang pambili ng Philex shares.
Wika pa ni Ongpin, kumita pa nga ang DBP ng mahigit P4 milyon s interes mula sa kanyang inutang at tinatayang P1.3 bilyon naman para sa trading ng Philex shares noong 2009.
“Mr. Ongpin is happy to face the investigation to clear his name and we are confident that the case filed before the Ombudsman will be ultimately dismissed,” giit pa ni Atty. Poblador.