^

Bansa

Elevated expressway itatayo sa Pinas

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paglalagay ng mga elevated expressway sa Edsa at Roxas blvd. upang layong maibsan ang problema sa daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar.

Sa ginanap na press conference sa Philippine Information Agency (PIA) sa QC, sinabi ni DPWH Secretary Rogelio Singson na nabuo ang ideyang ito nang personal nilang makita ni Pangulong Noynoy Aquino ang magagandang lansangan sa China at Japan nang bumisita sila sa naturang mga bansa noong nakaraang linggo.

Ayon kay Singson, na-impress si Pangulong Aquino nang personal na makita ang elevated expressway sa China at Japan na bukod sa tatlong level ay mayroon pang underground level na dahilan upang maging mabilis ang pagbiyahe sa naturang mga bansa.

Layunin din anya ng naturang proyekto na maihiwalay ang local traffic sa domestic traffic na karaniwang ugat ng pagkakabuhol-buhol ng daloy ng trapiko tulad ng Edsa at Roxas blvd. na karaniwang dinadaanan ng mga moto­rista saan mang bahagi ng Metro Manila na pupunta ang mga ito.

Samantala, sinabi din ni Singson na mula sa orihinal na 15 buwan, sisikapin ng DPWH na tapusin sa loob lamang ng 12 buwan ang pagsasagawa ng underpass sa kahabaan ng Quezon Ave. at Araneta Ave. sa QC.

ARANETA AVE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EDSA

METRO MANILA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PHILIPPINE INFORMATION

QUEZON AVE

ROXAS

SECRETARY ROGELIO SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with