^

Bansa

Pacquiao tatakbong vice pres.

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Inanunsiyo na ni Pam­bansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao na tatakbo siyang bise presidente ng Pilipinas sa taong 2016.

Subalit bago umano niya sungkitin ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa ay tatakbo muna itong Gobernador  ng kanyang lalawigan sa 2013 dahil nasa huling termino na si Sarangani Gov. Miguel Dominguez.

Kayat matapos umano ito ay target na ni Pacman ang pagtakbong vice pre­sident ng bansa at hihinto na rin ito sa pagbo-boxing.

Nauna nang napaulat na tatakbo si Pacquiao sa pagka-senador subalit hindi pa umano ito kwa­lipikado sa 2013 dahil 34 anyos pa lamang ito taliwas sa nakasaad sa Konstitusyon na 35 anyos ang dapat na kumandidato sa pagka-senador.

Posible rin umanong magkaroon ng problema si Pacquiao kung totoo na tatakbo ito sa pagka-bise presidente sa 2016 dahil ang age requirment ay 40 anyos samantalang 39 anyos pa lamang ito sa 2016 dahil ipinanganak ito noong Disyembre 17,1978.

Ilan naman sa mga posibleng makalaban ni Pacquiao sa pagka bise-presidente sina Sens. Francis Escudero, Francis Pangilinan, Jinggoy Estrada, Ferdinand Marcos Jr. at Bong Revilla.

Si Pacquiao ay hindi nakakadalo sa delibe­rasyon ng panukalang P1.816 trilyong budget para sa 2012 dahil abala sa pagpo-promote ng kanyang laban kay Mexican boxer Juan Manuel Marquez sa Nobyembre.

BONG REVILLA

FERDINAND MARCOS JR.

FRANCIS ESCUDERO

FRANCIS PANGILINAN

JINGGOY ESTRADA

JUAN MANUEL MARQUEZ

MIGUEL DOMINGUEZ

PACQUIAO

SARANGANI GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with