Sa serye ng oil price hike, 1-M tsuper magwewelga!
MANILA, Philippines - Isang malakihang transport strike ang nakatakdang isagawa ng nasa 1 milyong tsuper ng mga pampublikong sasakyan sa bansa para kondenahin ang serye ng oil price hike.
Sa ginawang unified meeting ng grupo ng iba’t ibang transport leaders sa Quezon City kahapon, nagkaisa ang lahat ng transport leaders (Bus, Taxi, Jeep, FX, Pedicab, AUV, Tricycle) sa isasagawang nationwide transport strike anumang araw ngayon buwan.
Una ng nagparamdam laban sa walang habas na pagtaas ng presyo ng gasolina ang militant transport group na Pagkakaisa ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) nang ibunyag ang umano’y overpricing ng petroleum products partikular ang diesel at gasolina.
Sa kampo ng Liga ng Transportasyon Opereytor ng Pilipinas (LTOP), tuwirang tinuligsa nito ang napipintong full implementation ng 12 percent VAT sa tollways epektibo Oktubre 1, 2011.
“Bakit ang mga maliliit na negosyante at mga drivers ang pumasan ng mga ito kasama ang mga commuters,” pahayag ni Lando Marquez, pangulo ng LTOP.
Ayon kay Marquez at de Luna kasama rin sa binubuo nilang nationwide strike ang grupo ng Povincial Bus Operators Association of the Philippines, Philipine National Taxi Operators Association, Metro Manila Bus Operators Assciations, Central Luzon Transport Association, Southern Tagalog Transport Association, Mindanao Transport Group at ang Visayas Transport Association.
Binanggit ng mga ito na bukod sa oil hike gusto rin ng kanilang hanay na ipatupad na ng gobyerno ang single ticketing system at ibaba ang halaga ng multa sa mga minor traffic violations.
- Latest
- Trending