^

Bansa

Magreretirong BOC official nahaharap sa kasong kriminal

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nakatakdang litisin sa Sandiganbayan 3rd Division si Bureau of Customs (BOC) Enforcement and Security Service director Nestorio Gualberto na nakatakdang magretiro ngayon.

Si Gualberto na nahaharap sa kasong kriminal sa Sandiganbayan 3rd Division ay dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at sinasabing humihingi umano ng reappointment kay Pangulong Aquino kahit nakitaan na ng Office of the Ombudsman ng probable cause ang kaso nito kayat isinampa sa Sandiganbayan.

Subalit inaasahang maglalabas ng warrant of arrest at hold departure order ang Sandiganbayan laban kay Gualberto sa oras na maresolba na ang motion for reinvestigation ng opisyal upang matiyak na hindi siya makakatakas palabas ng bansa.

Ibinasura ni dating Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro ang motion for reconsideration (MR) ni Gualberto na humadlang sa anti-graft office sa paghahain ng ng mga kasong paglabag sa RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) sa anti-graft court.

Kinasuhan si Gualberto dahil umano sa kabiguang makapaghain ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) para sa taong 1998 at 2000.

ACTING OMBUDSMAN ORLANDO C

BUREAU OF CUSTOMS

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE

GUALBERTO

LIABILITIES AND NETWORTH

NESTORIO GUALBERTO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PANGULONG AQUINO

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with