'Electric protest' ikinasa ng AGAP
MANILA, Philippines - Ikinasa ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Rep. Nicanor Briones ang isang malawakang protesta laban sa mga electric cooperative sa bansa na nagpapataw umano ng dagdag na singil sa kuryente na lalong nagpapahirap sa publiko.
Tinawag ni Briones na ‘9 9 9 9 protest’ ang gagawin ng kanyang grupo na nakatakdang isagawa bukas, September 9, ganap na alas-9 ng gabi kung saan isang oras na magpapatay ng ilaw ang may 9-milyong consumer ng ibat-ibang electric cooperative sa probinsiya partikular sa area ng Batangas.
Sa privilege speech ni Briones sa Kongreso, kinuwestiyon nito ang sinisingil na Member Contribution for Capital Expenditures (MCCE) ng mga electric cooperatives.
Aniya, umaabot sa halagang P55 bilyon ang nakokolektang MCCE ng mga electric cooperatives pero hindi alam kung saan napupunta ang nasabing salapi.
Hiniling ng mambabatas na ipaliwanag ito ng mga opisyal ng Department of Enegry (DoE) at National Electrification Administration (NEA).
Nanawagan din si Briones na i-convert sa regular cooperatives ang mga electric cooperatives at ilipat ang pamamahala sa Cooperative Development Authority (CDA) na ngayon ay nasa superbisyon ng NEA.
Sa pamamagitan nito aniya, ay mabibigyan ng karagdagang benepisyo ang mga electric cooperatives na magiging regular coops gaya ng tax exemptions na posibleng maging daan upang bumaba ang singil sa kuryente.
- Latest
- Trending