MANILA, Philippines - General Santos City - Sisimulan ng Sagittarius Mines, Inc (SMI) ang mga pampublikong konsultasyon bilang bahagi ng prosesong Environmental Impact Assessment (EIA) kaugnay ng panukalang Tampakan Copper-Gold Project sa Mindanao.
Ihaharap ng SMI ang burador ng Environmental Impact Statement (EIS) sa mga sangkot na komunidad, kabilang ang detalye sa potensiyal na epektong pangkapaligiran at panlipunan sa panukalang operasyon ng pagmimina gayundin ang malawak na estratehiyang pangmitigasyon sa pamamahala sa mga epektong dulot nito. Ang pampublikong konsultasyon ay isasagawa sa apat na bayan na magiging host ng Tampakan Copper-Gold Project.
Mayroon ng mahigit 2,000 indibidwal mula sa 64 stakeholders groups ang dumalo sa mga pribadong pulong para mahingi ang opinyon at komento kaugnay ng EIS.