Sekyu na sinapak ng Lanao solon tutulungan ni Mikey

MANILA, Philippines - Hindi pababayaan ni Ang Galing Pinoy party-list Rep. Juan Miguel Arroyo ang security guard na sinuntok umano ni Lanao del Sur Rep. Mohammed Hussein Pangandaman, anak ni dating Agrarian Reform Sec. Nasser Pangandaman, na kaalyado ng kanyang inang si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

“My office is always open for those who would seek my help,” ani Arroyo.

Noong Lunes ay sinabi ni Pangandaman na hi­­nam­pas niya ang security guard ng Ayala UP Tech­nohub na si Ricardo Bona­yog dahil hindi umano siya nito iginalang at umakma na bubunot ng baril.

Sinabi naman ng guwardya na sinuntok siya ni Pangandaman na dahilan upang siya ay tumumba.

Noong 2008 ay nasangkot din ang mag-amang Pangandaman sa insidente ng umano’y pambubugbog sa pa­mil­ya ng dela Paz sa Valley golf course sa Antipolo.

Sinabi naman ni House deputy speaker Erin Tañada na dapat ay maging mabuting halimbawa at magpakumbaba ang mga kongresista.

Show comments