^

Bansa

Singil sa kuryente tataas!

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dobleng paghihigpit muli sa sinturon ang daranasin ng mga Pilipino makaraang aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang P.03 sentimos kada kilowatt hour na dagdag singil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO) upang mabawi umano ang nalugi sa kumpanya noong taong 2010 dahil sa mas mababang singil. 

Iginiit naman ng ERC na mas maliit na halaga ang kanilang ina­prubahan kaysa sa hi­ ling ng Meralco na P.07 sentimos kada kilowatt hour. Magtutuloy-tuloy umano ang dagdag singil hanggang sa mabawi ng Meralco ang P944 milyon na anila’y lugi nito.

Kasabay nito, nagpatupad naman ng panibagong pagtataas sa pres­yo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Kahapon, dakong alas-12:01 ng hatinggabi nang pangunahan ng Pilipinas Shell ang pani­bagong oil price hike nang itaas ng P.90 sentimos kada litro ang presyo ng premium, un­ leaded at regular na gasolina at P.70 sentimos kada litro ng kerosene at diesel.

Alas-6 naman ng uma­­ ga nang sundan ito ng Chevron ng kahalintulad na halaga. Inaasahan rin na susunod agad ang iba pang kumpanya ng langis.

DOBLENG

ENERGY REGULATORY COMMISSION

IGINIIT

INAASAHAN

KAHAPON

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

PILIPINAS SHELL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with