JBC naglabas ng shortlist para sa Sandiganbayan post

MANILA, Philippines - Naglabas na ng shortlist ang Judicial and Bar Council (JBC) ng mga nominado para sa magi­ging sunod na presi­ding justice ng Sandigan­bayan.

Pasok sa shortlist sina Sandiganbayan Associate Justices Francisco Villaruz na nakakuha ng 8 boto, Efren Dela Cruz na may 7 boto at Alex Quiros na may 6 na boto.

Ngayong linggo inaasahang isusumite ng JBC sa Malakanyang ang naturang shortlist kung saan pipili si Pangulong Benigno Aquino III ng susunod na Sandiganbayan presiding justice.

Nabakante ang posisyon noong Hunyo ma­­tapos magretiro si dating Sandiganbayan Pre­si­ding Justice Edilberto Sandoval.   

Show comments