JBC naglabas ng shortlist para sa Sandiganbayan post
MANILA, Philippines - Naglabas na ng shortlist ang Judicial and Bar Council (JBC) ng mga nominado para sa magiging sunod na presiding justice ng Sandiganbayan.
Pasok sa shortlist sina Sandiganbayan Associate Justices Francisco Villaruz na nakakuha ng 8 boto, Efren Dela Cruz na may 7 boto at Alex Quiros na may 6 na boto.
Ngayong linggo inaasahang isusumite ng JBC sa Malakanyang ang naturang shortlist kung saan pipili si Pangulong Benigno Aquino III ng susunod na Sandiganbayan presiding justice.
Nabakante ang posisyon noong Hunyo matapos magretiro si dating Sandiganbayan Presiding Justice Edilberto Sandoval.
- Latest
- Trending