^

Bansa

PNP bibili ng mga kabayo para magamit sa patrulya

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Matapos ang kontro­bersiyal na pagbili ng Philippine National Police ng mga second hand ng choppers, mga kabayo naman ang ba­lak nilang bilhin upang magamit na pagpapatrolya at paghabol sa mga kriminal.

Sa deliberasyon ng budget ng PNP para sa susunod na taon, napuna ni Sen. Panfilo Lacson ang nakalaang budget para sa pagbili ng pitong kabayo.

Ayon kay Lacson okay lamang na bumili ng mga kabayo ang PNP basta’t hindi second hand ang mga ito.

Nilinaw naman ni PNP chief Raul Bacalzo na sa probinsiya gagamitin ang mga kabayo at hindi sa Metro Manila.

Magiging kapaki-pa­kinabang umano ang mga kabayo sa mga lugar na hindi naabot ng mga patrol cars katulad sa Cordillera.

Ayon kay Bacalzo, ang mga kabayo ay epektibong nagagamit sa pagpapatrolya sa bu­lubundukin ng Tagaytay CIty kaya maaari rin itong gawin sa Cordillera.

Matatandaan na si Lacson ang nagbunyag ng mga second hand na helicopters na binili ng PNP at sinasabing da­ting pag-aari ni dating First Gentleman Mike Arroyo.

Samantala, napuna naman ni Senate President Juan Ponce Enrile na ang pagiging “vehicle-bound” ang mga pulis sa bansa na hindi umano ginagamit ang mga paa sa pagpapatrolya.   

vuukle comment

AYON

BACALZO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

LACSON

METRO MANILA

PANFILO LACSON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAUL BACALZO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with