3-4 bagyo pa tatama sa Sept.
MANILA, Philippines - Tatlo hanggang apat na bagyo pa ang inaasahang tatama sa bansa ngayong buwan ng September.
Ayon sa Pagasa, karamihan sa inaasahang bagyo ay magmumula pa-kanluran kaya magiging malakas ang mga ito sa sandaling pumasok sila sa bansa.
Samanta, isang mababaw na sama ng panahon o shallow low pressure area (SLPA) ang namataan sa bahagi ng Cagayan province kahapon ng umaga.
Natukoy ang SLPA sa layong 640 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City.
Bagama’t mahina pa ang nasabing sama ng panahon malaki ang posibilidad na lumakas ito sa susunod na 48 oras at maaring tawaging “Nonoy” sa sandaling maging bagyo.
Pinalalakas din umano ito ng intertropical convergence zone (ITCZ) na umiiral sa eastern section ng ating bansa.
Samantala, wala naman umanong magiging epekto sa Pilipinas ang isang bagyo na unti-unting lumalakas sa karagatang Pasipiko.
- Latest
- Trending