MANILA, Philippines - Kakauwi pa lamang ni Pangulong Aquino sa bansa mula sa kanyang matagumpay na 5-day state visit sa China kung saan ay nakapag-uwi ng $12 bilyong investments, ay pinaghahandaan na muli ng Palasyo ang susunod na state visit ng Pangulo sa Japan sa darating na September 26-28.
Pinaunlakan ng Pangulo ang imbitasyon ng Japanese government kaya tutulak ito sa September 26 para sa kanyang 3-day state visit sa Tokyo.
Sunod na magiging byahe ng Pangulo ay ang pagdalo naman sa Asia-Pacific Economic Conference na gaganapin sa Hawaii, USA na susundan ng pagdalo naman nito sa ASEAN +3 na gaganapin sa Bali, Indonesia na parehong magaganap sa November 2011.