Pasig judge binira
MANILA, Philippines - Kinondena kahapon ni Vice President Jejomar C. Binay si Pasig Regional Trial Court Judge Rolando Mislang dahil sa pagpapalabas nito ng temporary restraining order sa Globe Asiatique scandal.
Inatasan ni Binay ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na gawin ang lahat ng kinakailangang legal na hakbang para maremedyuhan ang inhustisyang dinanas ng mga homeowner na nabiktima umano ng GA.
Ipinalabas ni Mislang ang TRO sa “double sale” complaint na isinampa ng National Bureau of Investigation at Evelyn Niebres et al laban sa may-ari ng GA na si Delfin Lee.
Si Binay na kasalukuyang tagapangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council ay nag-utos noong nakaraang taon sa Pag-IBIG fund na imbestigahan ang ulat na gumagamit ang GA ng mga ghost borrower at pekeng mga dokumento para makakuha ng P6 bilyong loan.
- Latest
- Trending