^

Bansa

Mike A kakasuhan din ng Senado, ayon kay Lacson

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Maaari ring magsampa ang Senado ng hiwalay na kaso laban kay dating First Gentleman Mike Arroyo at sa iba nitong kasamahan na sangkot umano sa P105 milyong “sapilitang” pagbili ng gamit nang helicopter ng Philippine National Police noong taong 2009.

Ito ang inihayag kahapon ni Senador Panfilo Lacson kasunod ng kasong plunder na isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Ombudsman laban kay Arroyo at iba pang dating mga opisyal ng Department of Interior and Local Government at PNP kaugnay ng anomalya sa biniling overpriced na mga helicopter na ang dalawa ay segunda mano.

Sinabi ni Lacson na ang kasong kriminal na maisasampa ng Senado ay ibabatay sa mga katibayang nakalap sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Natunton sa imbestigasyon ng komite na nagmay-ari sa mga helicopter na ibinenta sa PNP ang LTA Inc. na pag-aari ni Arroyo.

Kabilang umano sa maari pang kasuhan sina  Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo, Rowena del Rosario na tauhan ng kongresista at si  Atty. Lope Velasco.

Matatandaan na si Lacson ang nagbunyag ng maano­malyang pagbili ng helicopters ng PNP kung saan pinalabas ang mga itong brand new kahit nagamit na ng pamilya Arroyo.

Naunang lumutang ang pangalan ng dating Unang Ginoo na may ari ng mga helicopters pero inako ito ng kaniyang kapatid na si Iggy at pinalabas na nirentahan lamang sa Lionairs ang mga helicopters.

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

IGNACIO ARROYO

LACSON

LOPE VELASCO

NEGROS OCCIDENTAL REP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with