^

Bansa

Golf course ng AFP tatayuan ng mall

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Nagbabala ang isang administration congressman laban sa panukalang gawing commercial complex ang golf courses ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapagkunan ng income ng pamahalaan.

Sinabi ni Western Samar Rep. Senen Sar­miento, nakakabahala umano ito dahil sa posib­leng mawa­sak ang kaka­unting lun­ti­ang lugar sa Metro Manila.

Ang nasabing panukalang pag­tatayo ng mga malls at commercial complex upang makakuha lamang ng karagdagang kita ang pamahalaan ay posible umanong magkaroon ng long term effects­ sa kalikasan at kapali­giran.

Paliwanag pa ni Sar­miento, ang mga golf cour­ses sa bansa ay hindi lamang nagbibigay sa mga beterano at sa publiko ng pang-kalusugang dibersyon kundi ang pinakamahalaga umano ay ito lamang ang kaun­ting luntiang lugar na ma­tatagpuan sa Metro Manila bukod sa mga wild parks.

Dapat umanong mai-balance ang nasabing pa­nukala dahil ang Metro Manila ay nauubusan na ng luntiang lugar kung saan nagmumula ang carbon dioxide kung saan dahil sa walang habas na pagdami ng mga sasak­yan na pinagmumulan ng polusyon kayat maitutu­ring na rin ang Pilipinas na isa sa pinakamaru­ming siyudad sa buong mundo.

“We’ve sold much of Fort Bonifacio and Villa­mor Airbase but I have yet to see a modern AFP. With due respect to the past administrations, I think that it is only under President Aquino that we are beginning to see an honest-to-goodness modernization plan for our military. However, I really believe that we should now do away with this policy of selling military lands in exchange for a one-time revenue,” ani Sarmiento.

vuukle comment

AIRBASE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DAPAT

FORT BONIFACIO AND VILLA

METRO MANILA

NAGBABALA

PRESIDENT AQUINO

SENEN SAR

SHY

WESTERN SAMAR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with