MANILA, Philippines - Nagpasaklolo na ang Department of Agriculture (DA) sa mga vegetable producers sa Southern Tagalog at Bicol region na magdala ng mga gulay sa National Capital region (NCR).
Panawagan ito ni DA Assistant Secretary Salvador Salacup matapos umakyat na sa P15 hanggang P20 ang bentahan ng gulay sa NCR dahil sa mahirap at mahal na rin ang pagbiyahe at pagbaba ng mga gulay sa NCR bunsod ng landslide sa matataas na lugar tulad ng Baguio na number 1 nagsusuplay ng gulay sa NCR.
Sa record ng DA, nasa 55 percent ng pananim na gulay sa matataas na lugar sa northern Luzon ang lubos na sinira ng bagyong Mina.
Bunsod nito, 100 porsiyento ang ibibigay na tulong ng DA sa mga magsasaka na hindi na mapapakinabangan ang kanilang pananim na gulay dahil sa pananalasa ni Mina sa kanilang lugar.
Una rito, tiniyak naman ni Salacup na walang nararanasang shortage sa isda, karne ng baboy at manok partikular sa Metro Manila.