MANILA, Philippines - Itinakda ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong Setyembre ang pagsasaboy ng binhi sa lawa ng Taal, matapos ang ilang buwang pagbabawal ng anumang aktibidad sa naturang lawa dahil sa naganap na fishkill doon.
Ayon kay BFAR Dir. Asis Perez, sa September 9 pangangasiwaan ni DA Sec. Proseso Alcala at ng lokal na pamahalaan na nakakasakop sa lawa ng Taal ang pagsasaboy ng may isang milyong fingerlings ng bangus at 500,000 fingerlings tilapia.
Sabi ni Perez, tinatayang 1,000 mangingisda ang makikinabang sa mga ibibigay na binhing bangus na may sukat na 3 inches at kaya ng mabuhay sa mga palaisdaan.
Habang isasaboy naman sa labas ng mga palaisdaan ang mga maliit na maliputo na endemic o sa lawa lamang ng Taal matatagpuan.
Sabi pa ni Perez, patunay lamang ito na stable na ang oxygen sa Taal at upang hindi na maulit ang pagbagsak ng oxygen sa tubig. May 6,000 fish cages lamang ngayon ang pinayagan ng BFAR para mag-operate sa lawa.