^

Bansa

Nurse sa Phl 'di oversupply

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Wala umanong katotohanan ang isyu na over­supply ng nurse sa bansa.

Ayon kay Philippine Nurses Association (PNA) national president Dr. Teresita Barcelo, hindi pa rin nawawala ang panga­ngailangan ng Pilipinas sa mga nurse.

Aniya, hanggang may nagkakasakit ay patuloy pa rin ang magiging panga­ngailangan ng mga Filipino sa nurses. 

Ang pahayag ni Barcelo ay tugon sa paalala ni Health Secretary Enrique Ona na iwasan na muna ng mga estudyante ang kursong nursing dahil sa nangyayaring oversupply.

Idinagdag pa ni Barcelo na kung tutuusin ay marami pa ring oportunidad para sa mga nurse hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong dagat.

Ngunit ang problema lamang aniya ay ayaw mag-empleyo ng nurse ng gobyerno. Giit ni Barcelo, kaila­ngan ng bansa ng nurse subalit ayaw ng mga ito na kumuha.

Sa katunayan aniya ay plano ng DOH na kumuha ng 10,000 nurse para sa programa nilang Re­gistered Nurses for Health Enhancement and Local Services (RN HEALS).

Ang mga nasabing nurse ay ide-deploy naman sa mga mahihirap na lalawigan kung saan kulang na kulang sa mga health workers.

Tatanggap ang mga ito ng allowance na P10,000 kada buwan.

ANIYA

AYON

BARCELO

DR. TERESITA BARCELO

HEALTH ENHANCEMENT AND LOCAL SERVICES

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

NURSE

PHILIPPINE NURSES ASSOCIATION

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with