^

Bansa

13 lider ng CPP-NPA 'di dapat palayain - Army

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isa umanong mala­king insulto kung basta na lamang palalayain ang inarestong 13 mga lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na umano’y nagpapanggap lamang na ‘political pri­soner’ o pekeng consultant sa peace talks.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Col. Antonio Parlade, maraming kinakaharap na kasong kriminal ang mga inares­tong lider ng CPP-NPA kaya sa halip na palayain ay dapat ang mga itong iharap sa paglilitis ng batas.

Tinukoy ng opisyal ang kaso ni Tirso Alcantara alyas Ka Bart, comman­der ng Regional Special Operations Command ng NPA sa buong Southern Tagalog Region na may 23 warrant of arrest sa iba’t ibang kasong kriminal.

Si Ka Bart at aide nitong si Apolonio Cuarto ay nasa kustodya ng Philippine Army matapos masakote sa isang checkpoint sa Lucena City noong Enero ng taong ito.

Tinukoy rin ni Parlade ang naging pagpapalaya sa Morong 43 o ang mga miyembro ng mga rebeldeng NPA na nasakote sa Morong, Rizal noong nakalipas na taon na matapos palayain ay muling namundok ang apat sa mga ito.

Una rito, hiniling ni National Democratic Front (NDF) Chief negotiator Luis Jalandoni ang pagpapalaya sa 13 nilang consultants na nakapiit sa high risk detention cell dahil saklaw umano ito sa Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG) kaugnay ng isinusulong na peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng komunistang grupo.

Idinagdag pa ni Parlade na bababa ang moral ng tropa ng mga sun­da­long nagtrabaho para masakote ang naturang mga lider ng CPP-NPA kung basta na lamang ang mga ito palalayain na hindi sumasailalim sa paglilitis ng batas.  

vuukle comment

ANTONIO PARLADE

APOLONIO CUARTO

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

JOINT AGREEMENT

KA BART

LUCENA CITY

LUIS JALANDONI

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

PARLADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with