^

Bansa

Gumuhong basura sa Baguio, itatapon sa probinsiya ni PNoy

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 1,500 to­neladang basura mula sa Baguio City ang hahakutin at itatapon sa probinsya ni Pangulong Benigno “Noynoy“ Aquino III sa lalawigan ng Tarlac.

Ito’y matapos ang ma­lagim na trashslide ng ma­labundok na basura na umaabot sa 20 talampakan sa Irisan dumpsite sa Baguio City na kumitil ng buhay ng lima katao sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Mina noong nakaraang Sabado.

 Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang basura ay hahakutin mula sa Baguio City para itapon sa Capas, Tarlac dumpstie habang magsisilbing staging area ang Brgy. Irisan sa mga nakolektang basura ng lungsod.

Nabatid na matapos ang malagim na trahedya ay nagpulong ang Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) ng Baguio City ay napagkasunduan ang garbage clearing ope­ration at rehabilitation ng napinsalang Irisan dump site ng lungsod.  Ang nasabing Irisan dumpsite ay bumigay nang mawasak ang pader sa hagupit ng naturang bagyo.

Ang clearing operations ay isinasagawa ng mga AFP personnel at maging ng mga kinatawan ng CDRRMC, Baguio Disaster Risk Reduction and  Management Council (BDRRMC) sa Brgy. Irisan sa tulong ng mga residente sa komunidad.

BAGUIO CITY

BAGUIO DISASTER RISK REDUCTION

BRGY

CITY DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

CORDILLERA REGIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

IRISAN

MANAGEMENT COUNCIL

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PANGULONG BENIGNO

TARLAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with