^

Bansa

10 pang Pinoy nasagip sa Libya - DFA

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - May 10 pang Pinoy na naipit sa karahasan sa Libya ang nasagip ng Rapid Response Team ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Embahada ng Pilipinas sa Tripoli at nakatakdang ilikas sakay ng isang barko patungong pantalan ng Cairo sa Egypt.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, ang 10 Pinoy na pawang medical workers ay sinaklolohan at sinundo ng RRT sa pangunguna ni Usec. Rafael Seguis sa isang pinapasukang ospital na halos binabahayan na ng mga patay at sugatang mga katao bunsod ng tuluy-tuloy na sagupaan ng mga rebelde at loyalista ng wanted na si Libyan President Moammar Gadhafi, may ilang milya ang layo sa Tripoli.

Dumanas umano ng matinding checkpoint ang grupo ni Seguis habang ilang bahagi sa Tripoli ay may matitindi pang bakbakan sanhi upang mahirapan makalusot ang mga ito patungo sa pantalan. 

Sinabi ni Hernandez na ang 10 Pinoy na magsisilbing ikalawang batch ng mga ililikas sa Libya ay isasakay din sa isang nakaantabay na barko na inupahan ng Embahada sa International Organization or Migration (IOM) patu­ngong Egypt kung saan dito sila lilipad lulan ng eroplano pauwi sa Pilipinas.

Kinumpirma pa ni Hernandez na ngayong araw na rin ang dating sa Ninoy Aquino sa International Airport ng unang batch ng mga evacuees na kinabibilangan ng may 36 overseas Filipino workers (OFWs) mula Cairo, Egypt matapos silang lumikas sa Libya sa kasagsagan ng sagupaan noong nakalipas na linggo.

Sinabi ng DFA na patuloy ang grupo ni Seguis sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad at panig ng mga Libyan rebels upang tiyakin na magiging ligtas ang paglilikas ng mga Pinoy kasabay nang pilit na pagtunton sa may humigit kumulang sa 1,600 OFWs sa kani-kanilang pinapasukang kumpanya at mga ospital.

Sa may 190 Pinoy na nagpahayag ng kagustuhang lumikas sa Libya, tanging 36 pa lamang ang makakauwi ngayong Miyerkules sa bansa matapos ang huling deklarasyon na mandatory evacuation sa mga Pinoy sa Libya.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HERNANDEZ

INTERNATIONAL AIRPORT

INTERNATIONAL ORGANIZATION

LIBYAN PRESIDENT MOAMMAR GADHAFI

NINOY AQUINO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with