^

Bansa

QCRTC inatasan ng SC na resolbahin agad ang Stradcom issue

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ipinauubaya na ng Korte Suprema sa Quezon City Regional Trial Court  ang paglutas  sa  P1.2-B na  halaga ng utang na hinahabol ng information technology firm na Stradcom Corporation sa pamahalaan.

Sa resolution, inatasan ng Kataas-taasang Hukuman  ang mababang korte  na i- raffle ang usapin sa alinmang korte na humahawak sa commercial law cases.

Sa kanilang petisyon, sinabi ng Stradcom,  ang eksklusibong IT systems provider ng Land Transportation Office’s exclusive IT systems provider,  na ang patuloy na hindi pagbabayad ng gobyerno  sa kanilang koleksiyon  ay magreresulta  sa pagtigil nila sa operasyon  na magiging dahilan ng pagbabalik ng LTO sa manual operation ng mga transaksiyon.

Naniniwala ang Stradom na tanging ang SC lamang ang may kapangyarihan  na saklawin at desisyunan ang mga kontrata ng pamahalaan sa ilalim ng build-operate-transfer (BOT) law.

Matatandaang dumulog ang Stradcom sa Korte Suprema matapos na katigan ni Judge Edgar Dalmacio Santos ng Quezon City Regional Trial Court  ang desisyon ni LTO chief Virginia Torres na ibalam ang pagbabayad  sa Stradcom na ngayon ay umaabot na sa P1.2-B

Inatas din ng husgado na ilagak muna sa Land Bank of the Philippines ang naturang halaga at ilalabas lamang sa sandaling malutas na ang sigalot sa liderato ng Stradcom o sa pagitan nina Cesar Quiambao at negosyanteng si Bonifacio Sumbilla.

BONIFACIO SUMBILLA

CESAR QUIAMBAO

JUDGE EDGAR DALMACIO SANTOS

KORTE SUPREMA

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

LAND TRANSPORTATION OFFICE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

STRADCOM

STRADCOM CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with