MANILA, Philippines - Mahigit sa pitumpung porsyento ng 2,400 manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) na sakop ng spin off/outsourcing program nito ang nabigyan na ng separation letters ng kumpanya.
Ayon sa PAL, halos tatlo sa bawat apat na empleyado nito ang personal nang naabisuhan ukol sa spin off/outsourcing program kung saan maagang ireretiro ang mga empleyado ng airport services, catering at call center reservations. Ililipat ng PAL ang mga serbisyong ito sa third party service providers simula Oktubre.
Sinabi ng PAL management na wala umano itong natatanggap na anumang kautusan
o temporary restraining order na nagbabawal sa pagpapatupad ng naturang
programa. Layon ng spin off/outsourcing na baguhin ang istruktura ng PAL
upang makabangon sa matinding pagkalugi at maging handa sa tumitinding kumpetisyon sa airline business sa mundo.