^

Bansa

PAL outsourcing umarangkada na

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Mahigit sa pitumpung porsyento ng 2,400 manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) na sakop ng spin off/outsourcing program nito ang nabigyan na ng separation letters ng kumpanya.

Ayon sa PAL, halos tatlo sa bawat apat na empleyado nito ang personal nang naabisuhan ukol sa spin off/outsour­cing program kung saan maagang ireretiro ang mga empleyado ng airport services, catering at call center reservations. Ililipat ng PAL ang mga serbisyong ito sa third party service providers simula Oktubre.

Sinabi ng PAL management na wala umano itong natatanggap na anumang kautusan

o temporary restraining order na nagbabawal sa pagpapatupad ng naturang

programa. Layon ng spin off/outsourcing na baguhin ang istruktura ng PAL

upang makabangon sa matinding pagkalugi at maging handa sa tumitinding kumpetisyon sa airline business sa mundo.   

AYON

EMPLEYADO

ILILIPAT

LAYON

MAHIGIT

OKTUBRE

PAL

PHILIPPINE AIRLINES

SINABI

SPIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with