Lim nagdeliber ng wheelchair sa maysakit na lolo at lola
MANILA, Philippines - Hindi na kailangan pang magsadya sa Manila City Hall upang mapagkalooban ng wheelchair ang mga walang kakayahang maglakad dahil sa sakit o katandaan.
Ito ang naging paliwanag ni Manila Mayor Alfredo S. Lim nang sa kasagsagan ng ulan na dala ng bagyong si “Mina” kamakalawa (Sabado) ng umaga sa mga nasorpresang recipient na sina Ceazar Verdejo ng Capulong Extension, 72 anyos at Edna Cuales, 67, no. 36 Sto, Niño st. cor. Quezon st. sa pagkatok ng alkalde sa kanilang bahay na may dala-dalang wheelchair.
Bukod sa pasasalamat ng dalawa sa handog na wheelchair, nagbigay din ng kaunting cash gift si Lim nang tanungin kung ilang taon na si Cuales at nagkataong sa darating na Biyernes ito tutuntong sa edad na 68.
Matagal nang bedridden si Verdejo habang si Cuales naman ay nahihirapang maglakad bunga ng karamdaman sa baga.
“Bakit ko idine-deliver? Kung sila pa ang pupunta ng City Hall para manghingi ng wheelchair, maghahanap pa sila ng tao para samahan sila, gagastos pa ng pamasahe at aakyat pa ng hagdan,” ani Lim.
- Latest
- Trending