^

Bansa

Pagmimina sa Bulacan pinasisilip sa Kamara

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Paiimbestigahan ni Bulacan Rep. Joselito “Jonjon” Mendoza sa Kongreso ang umano’y illegal at iresponsableng pagmimina ng iron ore sa kabundukan ng Barangay Camachin sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) sa naturang lalawigan.

Kasabay nito, hiniling din ni Mendoza sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na siyasatin ang Ore Asia and Development Corporation at papanagutin ito kung kinakailangan sa paglabag sa Philippine Mining Act of 1995 at sa Executive Order No. 23 ni Pa­ngulong Noynoy Aquino na nagbabawal na magputol ng puno.

Sinuportahan ni Mendoza ang aksyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapatigil sa operasyon ng Ore Asia dahil sa umano’y paglabag nito sa batas ng pagmimina.

Pinanukala ni Mendoza ang tuluyan nang pagsasara nito upang hindi na lumawig ang pinsala sa kabundukan.

Sa tinanggap na ulat ni Mendoza, wala umanong maayos na tailings sa minahan kaya ang putik mula sa hinukay na bundok ay dinadala ng tubig ulan sa kahabaan ng ilog ng Biak na Bato, na nagi­ging sanhi ng polusyon rito.

Pansamantalang ipinasara kamakailan ng pamahalaang panlalawigan ang mining site ng Ore Asia batay sa rekomendasyon ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) matapos ang inspection dito.

BARANGAY CAMACHIN

BULACAN ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICE

BULACAN REP

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

EXECUTIVE ORDER NO

MENDOZA

NOYNOY AQUINO

ORE ASIA

ORE ASIA AND DEVELOPMENT CORPORATION

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with